Uncategorized

MAHAL, PATAWAD…

Tinatanaw mula sa malayo.
Bawat tikwas ng iyong buhok,
Bawat kibot ng iyong mga labi,
At ang iyong mga matang kulay abo—
na siyang kinahumalingan ko.

Mahal, naaalala mo pa ba?
Mga panahong tayo’y masaya?
Mahal, naaalala mo ba ba?
Mga panahong tayo’y magkasama?
Mahal naalala mo pa ba?
Mga pangako natin sa isa’t isa?
Mahal naalala mo pa ba?
Mga pangarap na binuo nating magkasama?

Mahal, naaalala mo pa ba?
Mga panahong nagsusuyuan kapag tayo’y may mga tampuhan.
Mahal, naaalala mo pa ba?
Mga panahong pareho pa tayong kumakapit at lumalaban.
Ngunit lahat ng iyo’y naglaho na ng parang bula.

Itinulak kita palayo
sapagkat takot akong di masuklian ang pagmamahal mo.
Itinulak kita palayo
sa takot kong di mapanindigan ang mga pangako ko.
Mahal, patawad.
Patawad dahil tila kaydali lamang sakin ang sumuko.
Patawad dahil ika’y aking binigo.

Mahal, patawad dahil sa takot kong balang araw ako’y mawasak mo
ay hindi ko inaakalang
ikaw na pala
ang winawasak ko.
Mahal, patawad dahil naging makasarili ako.
At higit sa lahat—
Mahal, patawad
dahil naging mahina ako para ipaglaban ang kung anumang mayroon tayo.
Mahal, patawad..
Patawad dahil naging mahina ako
para ipaglaban ka.

Mahal, patawarin mo ako…

image

Words by: Judy Ann Cayabyab
Painting by: Margarita Georgiadis Artist

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s