Uncategorized

Tigil na. Tama na. Awat na.

Nang makilala kita,
Nagbago yung buhay ko.
Yung dating walang sigla,
Yung dating malumbay,
Binigyan mo ng kulay,
Binigyan mo ng buhay.
Yung dating malabo,
Naging malinaw.
Yung dating walang kwenta,
Nagkaroon ng importansya.

Nagkakilala tayo ng walang dahilan,
Nagkamabutihan ng biglaan.
Hindi ako sigurado,
Hindi ako sigurado kung ano eto,
Hindi ako sigurado kung anong mayroon tayo.
Basta masaya ako,
Masaya tayo.

Mga kamustahan,
Araw araw na biruan,
Kulitan, lambingan,
Usapan hanggang mag umaga,
Hanggang sa makatulog ka na.
Kwentuhang walang humpay,
Murahan, gaguhan
At palitan ng matatamis na salita.
Lahat yun, lahat ng iyon, nawala ng biglaan.

Hindi ko maintindihan.
Mali ba ako,
Mali ba ako na hindi ko nilinaw kung anong mayroon tayo?
Mali ba ako na umasa akong mahalaga din ako sayo?
Oo siguro nga, mali ako.
Maling mali.
Dahil sa mga pinaramdam mo,
Umasa ako na importante ako sayo.
Umasa ako na may lugar ako diyan sa puso mo.

Landian. Oo landian.
Yun lang siguro ang mayroon tayo.
Ako naman tong si gago,
Tuwang tuwa.
Tawagin mo na akong martir o tanga,
Dahil kumagat ako sa isang bagay na wala namang kwenta,
Dahil pumatol ako sa isang bagay na hindi naman ako sigurado.
At siguro nga, may mali din ako.
Malandi din ako.
Ang pinagkaiba lang,
Ni minsan hindi ko naisipang saktan ang damdamin mo.
Ni minsan hindi ko naisipang pag laruan ka.
Ni minsan hindi ko tinangkang iwan ka.

Umalis ka.
Iniwan mo ako.
Walang dahilan,
Walang eksplinasyon.
Walang paalam.
Ako na nanaman yung talo
Kailan ba ako nanalo?
Kailan ba ako mananalo?
Pang ilan na nga ba ito?
Pangatlo, pang apat, pang lima, pang anim?
Hindi ko alam, hindi ko na mabilang.
Ilang beses na nga bang may nagbigay sakin ng dahilan para ngumiti?
Para kiligin? Para tumili? Para pasiyahin? At para humikbi?
Walang pang matagalan, puro landian.

Lagi nalang akong nasasaktan.
Teka, baguhin natin.
Lagi nalang akong sinasaktan.
Siguro nga ganito talaga ang pakiramdam,
Ng iwan ng walang dahilan,
Ng iwan ng ng taong hindi naman naging akin ni kahit kailan.
Ang gusto ko lang naman yung pangmatagalan.
Hindi yung landian,
Hindi yung laro laro lang.
Ang gusto ko lang naman yung mahalin,
Mahalin at hindi balewalain.

Words by: Judy Ann Cayabyab
Photo not mine

image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s